RECENT NEWS

Home » Entertainment » Sharon Cuneta at Kiko Pangilinan, sinampahan ng reklamong cyber libel si Cristy Fermin
Sharon Cuneta at Kiko Pangilinan, sinampahan ng reklamong cyber libel si Cristy Fermin - Pinas Times

Sharon Cuneta at Kiko Pangilinan, sinampahan ng reklamong cyber libel si Cristy Fermin

Sinampahan nina Sharon Cuneta at ang kaniyang mister na dating senador na si Francis “Kiko” Pangilinan, ng reklamong cyber libel ang showbiz columnist at online talk show host na si Cristy Fermin.

Ayon kay Nelson Canlas ng GMA Integrated News, nagsampa ng reklamo ang mag-asawa sa Makati City Prosecutor’s Office nitong Biyernes para sa “broadcasting baseless and malicious statements regarding their personal and family affairs.”

Sinisikap pa ng GMA News Online na makunan ng pahayag si Fermin, ngunit hindi pa nakatatanggap ng tugon.

Naging paksa ng maraming usapin ng hiwalayan sina Sharon at Kiko. Inamin ng mag-asawa na nagkaroon sila ng mga pagtatalo, ngunit nagkaayos din sila.

Nitong nakaraang linggo, sinampahan din ni Bea Alonzo ng reklamong cyber libel sina Fermin at Ogie Diaz, at ang kanilang mga co-host sa kani-kanilang mga programa.

Kinilala ni Fermin ang karapatan ni Bea na magsampa ng reklamong online libel laban sa kaniya, at handa raw siya na harapin ito. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News

 

For more News like this Visit Pinas Times

Marcos to seek specifics from Biden on US defense commitment - Pinas Times
Marcos to seek specifics from Biden on US defense commitment - Pinas Times
Receive the latest news

Subscribe To Our Daily Newsletter

Get notified about new articles

Subscription form - Summary

Receive the latest news

Subscribe To Our Daily Newsletter

Get notified about new articles

Subscription form - Summary