RECENT NEWS

Ryan Bang, pinaiyak sina Kim Chiu at Jackie Gonzaga?

Alamin dito ang nakakatawang moment nina Ryan Bang, Kim Chiu, at Jackie Gonzaga sa backstage ng ‘It’s Showtime’:

Isang nakakatuwang istorya ang ibinunyag ng mga host ng It’s Showtime sa inaabangan na singing competition ng programa, ang “Tawag ng Tanghalan: The School Showdown.”

Noong ipinakilala ng mga host si Ryan Bang bilang “Gong-bassador” ng araw, bigla itong kinausap ni Unkabogable Star Vice Ganda. Masaya nitong ibinahagi sa Korean Oppa ang mga pangyayari sa backstage.

“Pinag-uusapan ka sa dressing room,” sabi ni Vice.

Gulat na tanong ni Ryan, “Ako ‘yung topic?”

Ayon kay Vice, may mga host na pinag-uusapan ang buhok ni Ryan. Sa haba raw kasi nito, nais nila sanang ipagupit na ito para mas maayos tingnan sa kanilang paningin.

Habang nagkukuwento si Vice, hindi niya mapigilang tumawa at tinanong, “Noong sinabi nila magpagupit ka, ano’ng sagot mo raw?”

Sagot ni Ryan, “E, gusto ni Paola [Huyong] ‘yung hair ko medyo mahaba.”

Muling tinanong ni Vice, “Hindi iyan ang sinagot mo. Ano ang sagot mo kanina?” Vice.

“Hindi naman kayo ang fiancée ko,” simpleng sagot ni Ryan.

Biglang natawa ang Unkabogable Star at iba pang host. Mas lumakas pa ang kanilang tawa nang ibinunyag ni Vice ang sumunod na nangyari.

“Kaya naman pagdating sa dressing room may umiiyak. [Sabi nila], ‘Grabe naman si Ryan. Bakit kailangan ipamukha sa amin na wala kaming fiancé?'” patawang kwento ni Vice.

Habang tinatanong ni Amy Perez kung sino, nahuli ng madlang Kapuso na napatingin si Kim Chiu kay Jackie Gonzaga. Pero naloka ang Chinita Princess na si Kim nang biglang humarap si Jackie sa kaniya at nagbiro, “Punasan ko na lang Ate Kim [mga luha mo].”

biro naman sa kanya ni Kim, “Hoy, ikaw din ah!” banter ni Kim.

Natawa na lang ang dalawang host nang ibinunyag ni Vice ang buong kuwento. “Hoy! Kayong dalawa ang umiyak. Nagyakapan silang dalawa, ‘Wala tayong fiancé'” biro ni Vice.

Nagyakapan na lang sina Kim at Jackie habang kunwaring nasasaktan nang maalala ang pangyayari. Humarap bigla si Vice at tinanong si Ryan kung bakit pinamukha pa raw niya sa kanila na wala silang fiancé.

Depensa ni Ryan, “Hindi kasi, mommy, ang dami nilang sinasabi at ang daming comment. ‘Dapat dito, dapat ganiyan.’ Ba’t kayo ba fiancée ko? Ang dami nilang comment sa akin.”

Mas natawa ang lahat sa studio nang ibinunyag pa ni Tyang Amy na hindi rin tuloy malunok ni Kim ang kaniyang kinakaing pinya dahil sa pangyayari.

Subaybayan ang It’s Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA, GTV, at iba pang Kapuso platforms.

Samantala, balikan ang sweet moments nina Ryan Bang at Paola Huyong sa gallery na ito:

Subscribe to Us

Enter your email address to subscribe to www.planetphilippinesuk.com and receive notifications of new posts by email.

Subscription form - Summary

Receive the latest news

Subscribe To Our Daily Newsletter

Get notified about new articles

Subscription form - Summary