RECENT NEWS

Marian Rivera at Dingdong Dantes, nag-donate ng higit 700 relief packs para sa mga nasalanta ng Bagyong Carina, Habagat

Nag-donate sina Dingdong Dantes at Marian Rivera ng mahigit 700 relief packs sa GMA Kapuso Foundation bilang bahagi ng relief operations upang tulungan ang mga komunidad na naapektuhan ng Super Typhoon Carina at ng Habagat.

Sa ulat ni Aubrey Carampel sa Balitanghali nitong Biyernes, sinabing nag-repack sina Marian kasama sina Zia, Sixto at ng DongYan team.

“Nakakalap kami ng ganu’n kadaming bag para maibigay natin at ma-distribute natin sa mga kababayan natin,” sabi ni Marian.

Samantala, nagbigay din si Dingdong ng tulong kasama ang kapwa niya Navy reservists na sina Rocco Nacino at Miss Universe Philippines 2021 Beatrice Luigi Gomez.

Sa pangunguna ng GMA Kapuso Foundation, naghatid sila ng relief goods sa mga nasalanta sa Marikina.

“One of the few things that we do as reservists. Kaya kung saan may pangangailangan, andu’n kami, especially sa GMA Kapuso Foundation,” sabi ni Dingdong.

“Mukhang nakakapaghatid kami ng ngiti rito, so malaking bagay na ‘yun,” sabi ni Rocco.

“As a Cebuana, personal ko naranasan ito in 2021, during [Super Typhoon] Odette. So I know what it feels like,” sabi ni Beatrice. —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News

Subscribe to Us

Enter your email address to subscribe to www.planetphilippinesuk.com and receive notifications of new posts by email.

Subscription form - Summary

Receive the latest news

Subscribe To Our Daily Newsletter

Get notified about new articles

Subscription form - Summary