RECENT NEWS

Home » Entertainment » Maria Ozawa, inilahad kung bakit sila naghiwalay ng ex-bf niya na si Chef Jose Sarasola
Maria Ozawa, inilahad kung bakit sila naghiwalay ng ex-bf niya na si Chef Jose Sarasola - Pinas Times

Maria Ozawa, inilahad kung bakit sila naghiwalay ng ex-bf niya na si Chef Jose Sarasola

Limang taon din na tumagal ang relasyon nina Maria Ozawa at ex-boyfriend niyang Pinoy na si chef Jose Sarasola. Alamin kung bakit nga ba sila naghiwalay.

Sa episode ng “Fast Talk With Boy Abunda” nitong Miyerkules, sinabi ni Maria na marami siyang natutuhan nang panahon na magkasama sila ni Jose dahil sa pagkakaiba ang kultura ng mga Pinoy at Hapon.

“I think he understood more about Japanese culture. I understand more about his culture, which is Filipino culture. Which is good but which was hard also because everything is different, in relationship-wise or business-wise,” paliwanag niya.

Pag-amin din ni Maria, “It was just hard to blend in.”

Ayon kay Maria, walang third party sa kanilang hiwalayan ni Jose at maayos nilang napagkasunduan na tapusin na lang ang kanilang relasyon.

“Actually it wasn’t anything bad at all because I went back to Japan because of the pandemic. And when I went back that time I didn’t know when I could come back to the Philippines and there’s no way any foreigners would be able to come to Japan,” paliwanag ni Maria.

“So it was just like a mutual decision and we talked about it and we decided to break up ’cause we didn’t see any future, I mean like we didn’t know what to do about it,” patuloy niya.

Sa isang panayam, sinabi ni Jose na naging mahirap sa kanila ni Maria ang long distance relationship noong panahon ng COVID-19 pandemic.

Naghiwalay sina Maria at Jose noong 2022, matapos ang limang taong relasyon.

Sa isang episode ng programang “Tunay Na Buhay,” ikinuwento ng dalawa na nagkakilala sila nang bumisita si Maria sa isang bar ni Jose.

Tipo ng lalaki ni Maria

Sa naturang panayam ni Tito Boy, sinabi ni Maria na gusto niya sa isang lalaki na maunawain pagdating sa pagiging independent ng babae at hindi masyadong conservative.

Ginawang halimbawa ni Maria ang mga lalaki sa Japan na gusto lang na nasa bahay ang kanilang kabiyak.

“Well, it’s our culture, so I don’t want to say anything against it, but, you know, women [are] just supposed to be housewives [in Japan]. They should stay at home. And those kind of mindset is OK because that’s their culture. I don’t mind at all,” paliwanag niya.

“But for me, I want somebody who’ll be supportive with me,” ayon Maria, na kabilang sa cast ng Kapuso series na “Pulang Araw.”

Ginagampanan ni Maria sa “Pulang Araw” role bilang si Haruka Tanaka, ang ina ni Hiroshi Tanaka, na ginagampanan ni David Licauco.

Napapanood ang “Pulang Araw” gabi-gabi mula Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng GMA News “24 Oras.” Napapanood din ito sa Netflix. —FRJ, GMA Integrated News

For more News like this Visit Pinas Times

Marcos to seek specifics from Biden on US defense commitment - Pinas Times
Marcos to seek specifics from Biden on US defense commitment - Pinas Times
Receive the latest news

Subscribe To Our Daily Newsletter

Get notified about new articles

Subscription form - Summary

Receive the latest news

Subscribe To Our Daily Newsletter

Get notified about new articles

Subscription form - Summary