RECENT NEWS

Lianne Valentin, college graduate na; Shaira Diaz, kinunan na rin ng graduation photo

Nakapagtapos na rin sa kolehiyo ang Sparkle star na si Lianne Valentin!

Sa kaniyang Instagram, ibinahagi ni Lianne ang ilang clip at mga larawan mula sa kaniyang graduation ceremony, na dinaluhan ng kaniyang mga magulang.

“She a degree holder now ???? After 4 years, [I] can finally declare myself a student no more!!,” saad ng aktres.

“[T]hank you for everything parentals. love you both [heart emoji]” dagdag pa ng “Royal Blood” star sa kaniyang mga magulang.

Ayon sa ulat ng GMA Entertainment, kumuha si Lianne ng Business Administration, na may major sa Human Resources Management.

Bumida si Lianne sa nakaraang mystery-drama series na “Royal Blood” kasama sina Dingdong Dantes, Mikael Daez, Megan Young at marami pang iba. Bumida rin siya sa 2022 Kapuso series na “Apoy Sa Langit.”

Samantala, ibinahagi rin ni Shaira Diaz ang ilang eksena sa pagkuha ng kaniyang graduation picture, tanda na magtatapos na rin siya sa kolehiyo.

Sa kaniyang Instagram stories, makikita na nakasuot si Shaira ng formal suit at pants habang ngumingiti sa kamera.

“This is finally happening,” saad niya.

Nag-aral naman si Shaira ng marketing and management sa University of Perpetual Help sa Las Piñas City.

–Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News

Subscribe to Us

Enter your email address to subscribe to www.planetphilippinesuk.com and receive notifications of new posts by email.

Subscription form - Summary

Receive the latest news

Subscribe To Our Daily Newsletter

Get notified about new articles

Subscription form - Summary