RECENT NEWS

Home » Entertainment » Kilalanin ang bagong Miss Universe Philippines na si Chelsea Manalo na proud sa kaniyang kulay
Kilalanin ang bagong Miss Universe Philippines na si Chelsea Manalo na proud sa kaniyang kulay - Pinas Times

Kilalanin ang bagong Miss Universe Philippines na si Chelsea Manalo na proud sa kaniyang kulay

Kinoronahan si Chelsea Manalo ng Bulacan bilang Miss Universe Philippines 2024 sa ginanap na coronation night Miyerkules ng gabi sa SM Mall of Asia Arena. Kilalanin pa lalo ang beauty queen na proud sa kaniyang kulay.

Si Chelsea ang magiging kinatawan ng bansa sa gaganaping Miss Universe 2024 sa Setyembre sa Mexico.

Sa ulat ni Hermes Tunas ng GMA Integrated News Online, isang Filipino-American si Chelsea, na 22-anyos. Matapos pumanaw ang kaniyang tunay na ama, pinalaki si Chelsea ng kaniyang inang si Contessa Manalo kasama ang kaniyang amain.

Sa kaniyang winning answer sa Q&A portion ng Miss Universe Philippines 2024, binanggit ni Chelsea ang kaniyang pagiging isang “woman of color” nang tanungin kung paano niya gagamitin ang kaniyang kagandahan at kompiyansa upang patatagin ang iba.

“As a woman of color, I have always faced challenges in my life. I was told that beauty has standards, actually,” saad niya. “But for me, I have listened to always believe in my mother, to always believe in yourself, uphold the vows that you have.”

“Because of these, I am already influencing a lot of women who are facing me right now. As a transformational woman, I have here 52 other delegates with me who have helped me to become the woman I am. Thank you,” dagdag ni Chelsea.

Sinimulan ni Chelsea ang modeling career sa edad 14.

Ipinakita ni Chelsea ang kaniyang nag-uumapaw na kompiyansa sa sarili sa tulong na rin ng karanasan sa pagmomodelo mula pa noong siya ay 14-anyos pa lang.

Sa kaniyang modeling career, naging laman na si si Chelsea ang mga print magazine, nakatrabaho ang ilang fashion designer, at commercial companies gaya ng MEGA, Preview, Job Dacon, at Mark Bumgarner.

Sa kaniyang profile video para sa Miss Universe Philippines 2024, inilahad ni Chelsea na nakaranas siya ng insecurities nang ma-bully habang lumalaki dahil sa kaniyang maitim na balat at klase ng buhok bilang Filipino-American.

“My self-confidence became poor and I started to become indifferent, but I did not let this shed my own light,” saad ni Chelsea.

“I have a strong support system. They made me realize that I am beautiful in my own extraordinary way,” dagdag niya.

Isinusulong niya ang edukasyon ng kabataan.

Bukod sa pagsulong sa indibiduwalidad at body positivity, ipinakita rin ni Chelsea ang kaniyang pagiging “woman of substance” matapos magbigay-liwanag sa edukasyon ng mga katutubong kabataan sa kaniyang pageant journey, pati na rin sa kaniyang social media platforms.

Taglay niya ang gandang “La Bulakenya!”

Proud si Chelsea sa kaniyang hometown na Bulacan, at tiniyak niyang maitampok din ito sa kaniyang Miss Universe Philippines journey.

Bago ang coronation night, nagbahagi ang beauty queen ng mga kuha mula sa isang photoshoot na hango sa “La Bulakenya” ni Juan Luna (The Woman from Bulacan).

Sa mga larawan, nagsuot siya ng glamorosong bersyon ng Terno ni Glen Lopez, na isang damit na may butterfly sleeves na may kasamang gold floral embroideries.– FRJ, GMA Integrated News

For more News like this Visit Pinas Times

After Philhealth cyber attack: DICT, PNP-ACG recommend steps to prevent randomware - Pinas Times
After Philhealth cyber attack: DICT, PNP-ACG recommend steps to prevent randomware - Pinas Times
Receive the latest news

Subscribe To Our Daily Newsletter

Get notified about new articles

Subscription form - Summary

Rudy-Fariñas-Matthew-Marcos_CNNPH - Pinas Times
Rudy-Fariñas-Matthew-Marcos_CNNPH - Pinas Times
Receive the latest news

Subscribe To Our Daily Newsletter

Get notified about new articles

Subscription form - Summary