RECENT NEWS

Home » Entertainment » Katya Santos sa pagsailalim sa IVF para magkaanak: ‘Very challenging, very emotional”
Katya Santos sa pagsailalim sa IVF para magkaanak: 'Very challenging, very emotional" - Pinas Times

Katya Santos sa pagsailalim sa IVF para magkaanak: ‘Very challenging, very emotional”

Isang malaking hamon at matinding emosyon ang nararanasan ni Katya Santos sa pagsailalim niya sa in vitro fertilization o IVF para magkaroon sila ng anak ng kaniyang fiancé na si Paolo Pilarto.

“It’s very challenging. Very, very challenging, [very] emotional. Mahirap po,” saad ni Katya nang tanungin ni Tito Boy Abunda tungkol sa kaniyang IVF journey sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkoles.

Kinumpirma ni Katya, 42-anyos, na masakit din sa bulsa ang prosesong ito, lalo’t “per harvest” ang paggastos.

“It’s not painful but I think ‘yung gastos po ‘yung painful,” saad niya. “It’s very draining physically, mentally, emotionally and financially.”

Dagdag ni Katya, sumubok din siya ng ilang seremonya para magbuntis, gaya ng pag-alay ng itlog kay Santa Clara at Padre Pio, at regular na pagdalo ng Misa sa Christ the King Church tuwing Miyerkoles.

Nagpaplano rin sila ni Paolo na pumunta sa Obando, Bulacan para sa Obando Fertility Rites.

Sa naunang panayam kay Katya, sinabi niyang pinaplano nila ni Paolo na mauna muna silang magkaanak bago magpakasal.

“Wala pa,” sagot ni Katya sa showbiz press tungkol sa wedding plans nila ng kaniyang fiancé, na mapapanood sa Kapuso Showbiz News.

“Actually, well, kasi ‘yung nangyayari sa amin, inuuna kasi naming magka-baby. So right now, I’m with the process of IVF,” pagpapatuloy ng dating miyembro ng Viva Hot Babes.

May isang anak na babae si Katya sa kaniyang dating asawa na si Anton Delos Reyes. —FRJ, GMA Integrated News

For more News like this Visit Pinas Times

Comelec opens bidding for new election machines, system for 2025 polls - Pinas Times
Comelec opens bidding for new election machines, system for 2025 polls - Pinas Times
Receive the latest news

Subscribe To Our Daily Newsletter

Get notified about new articles

Subscription form - Summary

Marcos freezes fines on e-bikes in Metro - Pinas Times
Marcos freezes fines on e-bikes in Metro - Pinas Times
Receive the latest news

Subscribe To Our Daily Newsletter

Get notified about new articles

Subscription form - Summary