Pumanaw na sa edad na 89 ang British actress na si Maggie Smith, na napanood sa “Harry Potter” movies, ayon sa BBC report.
Sa ulat ng Reuters, sinabing sinimulan ni Maggie ang mahaba niyang entertainment career sa entablado noong 1950s.
Kabilang si Maggie sa iilang aktres na nagkamit ng iba’t ibang parangal sa mga prestihiyosong award-giving bodies katulad ng Oscar (dalawa), Emmy (apat), at sa Tony.
Sa mga mas batang fans, kilala si Maggie bilang si Professor McGonagall sa “Harry Potter” movies. Ganoon din sa hit TV series “Downtown Abbey” bilang si Violet Crawley, Dowager Countess of Grantham.
Nakamit ni Maggie ang kaniyang unang Academy Award nomination noong 1965 para sa pelikulang “Othello” kasama si Laurence Olivier.
Noong 1969, nanalo siya ng Oscar para sa pelikulang “The Prime of Miss Jean Brodie.”
Noong 1990, iginawad ni Queen Elizabeth kay Maggie ang pagkilala bilang isang Dame.