RECENT NEWS

Home » Entertainment » AiAi Delas Alas, uuwi sa bansa para sa taping ng ‘The Clash;” gustong mag-guest sa ‘Abot-Kamay Na Pangarap’
AiAi Delas Alas, uuwi sa bansa para sa taping ng 'The Clash;" gustong mag-guest sa 'Abot-Kamay Na Pangarap' - Pinas Times

AiAi Delas Alas, uuwi sa bansa para sa taping ng ‘The Clash;” gustong mag-guest sa ‘Abot-Kamay Na Pangarap’

Nakatakdang umuwi sa Pilipinas mula sa Amerika si AiAi Delas Alas para sa taping ng “The Clash” at makadalo sa graduation ng kaniyang anak na si Andrei.

Sa Chika Minute report ni Lhar Santiago sa GMA News “24 Oras” nitong Miyerkules, sinabing dadating sa bansa si AiAi sa June, at sasabak sa taping ng bagong season ng singing contest na “The Clash.”

“Ga-graduate ‘yung anak kong bunso, si Andrei. And then after niyan pupunta ako sa Japan dahil may show po ako, June 15 and 16, and then sa August, because of ‘The Clash,’” pagbahagi AiAi.

“Ngayon pa lang nag-aabang na ko kung ano isusuot ko, nag-iisip ako ng mga gimmick ko, at tsaka nag-iisip ako kung ano gagawin ko sa mga damit ko. Eto na. Game na ulit,” masayang sabi ni AiAi na isa sa mga judge sa The Clash.

Sinabi rin ni AiAi na hindi mawawala ang “twists” sa show.

“Ang maganda kasi sa ‘The Clash,’ every season marami siyang twist na surprisingly para sa mga taong nanonood, and surprisingly rin, para sa ‘min,” dagdag niya.

Habang nasa Pilipinas, inihahanda na rin ang mga programa kung saan siya magiging guest.

“’Yung mga guesting ko inaayos na nila habang nandiyan ako sa Philippines, habang nagte-taping ako ng ‘The Clash.’ And I hope makapag-guest ako sa ganito, sa ganiyan. Sana makapag-guest ako sa ‘Abot-Kamay,’” patungkol niya sa top rating afternoon series na “Abot Kamaya na Pangarap.”

Samantala, kasama sa mga pinagkakaabalahan ni AiAi sa Amerika ang pagbubuksan niyang kompanya na kasama ang skincare products. — FRJ, GMA Integrated News

For more News like this Visit Pinas Times

Marcos to seek specifics from Biden on US defense commitment - Pinas Times
Marcos to seek specifics from Biden on US defense commitment - Pinas Times
Receive the latest news

Subscribe To Our Daily Newsletter

Get notified about new articles

Subscription form - Summary

Receive the latest news

Subscribe To Our Daily Newsletter

Get notified about new articles

Subscription form - Summary