RECENT NEWS

2NE1 Brings the Heat at the Start of Their ‘Welcome Back’ Reunion Concert in South Korea!

MANILA – Excited na ang mga Blackjacks (fans ng 2NE1) para sa kanilang inaabangang pagbabalik, dahil nagsimula na ang “Welcome Back” reunion concert ng 2NE1 sa Seoul, South Korea!

Sa Chika Minute report ni Aubrey Carampel sa 24 Oras Weekend, pinakita ang mga intense performances ng grupo sa kanilang hit songs gaya ng “I Don’t Care,” “Ugly,” “Go Away,” at syempre, ang “FIRE”! Sobrang damang-dama ng mga fans sa venue ang excitement at tuwa sa muling pagkakasama nina Dara, Bom, CL, at Minzy sa isang entablado. Hindi na “Lonely” ang Blackjacks dahil sa kanilang reunion.

Maraming sikat na Korean celebrities din ang dumalo at nagbahagi ng kanilang concert moments online, na mas nagpataas ng excitement!

Hindi rin magpapahuli ang Filo Blackjacks, dahil inaabangan na nila ang Manila leg ng “Welcome Back” Asia Tour na gaganapin sa Nobyembre 16, 2024, sa SM Mall of Asia Arena.

Ayon sa Live Nation Philippines, may sampung iba’t ibang ticket tiers na maaaring pagpilian ng fans. Ang mga presyo ay nagsisimula sa P3,000 hanggang P16,500, kasama na ang ticket charges. Available na ang mga ticket simula Oktubre 11, at may Live Nation Philippines presale naman sa Oktubre 10.

Ang pagbabalik ng 2NE1 ay unang inanunsyo noong Hulyo ng YG Entertainment, kung saan nagpost si Sandara ng isang teaser para sa concert na ito.

Handa na ba kayo, Filo Blackjacks? Ang pagbabalik ng 2NE1 ay siguradong magiging “the best” experience para sa lahat!

Subscribe to Us

Enter your email address to subscribe to www.planetphilippinesuk.com and receive notifications of new posts by email.

Subscription form - Summary

Receive the latest news

Subscribe To Our Daily Newsletter

Get notified about new articles

Subscription form - Summary